Higit sa Panagnip
Joseph Santos
“ASL please?” nakagawian na ni Josh na tanungin muna ang Age, Sex, and Location ng mga nais nitong kausapin sa internet chat.
“Still there?” ilang minuto pa, hindi na nakapaghintay si Josh.
“Okey, Thanks, baka busy ka, ingat”
Mag la “log out” na sya ng biglang sumagot si Shy_Girl.
“28 F Mla” tugon nito “ako nga pala si Dhianne, and you are?”
“Oh, akala ko walang sasagot, I’m Josh, 35 M Mla”
“I see, work?”
“Nope, starving writer ako”.
“Oh Interesting!” tugon ni Dhianne.
“Ikaw? I’m sure may work ka na, mukhang busy ka e.”
Natuwa si Josh ng hindi big deal kay Dhianne ang katagang “starving writer” naisip nya, hindi siguro sya yung tipo ng babae na naghahanap ng “Rich Fafa”.
“I am into Teaching, hmmm, sorry kanina ha? May kausap kasi ako na estudyante kaya natagalan akong sumagot.”
“No Problem, Mam! Lol” biro ni Josh.
“Ano ba yang Lol? palagi kong nababasa, Bago pa lang kasi ako sa chat.”
Ng unang nabasa ni Dhianne ang “Lol” ay iniwan nya ang kausap sa pag aakalang minumura sya nito.
“Laughing out Loud” paliwanag ni Josh, “Parang gusto mo iparamdam sa kausap mo na natutuwa ka.”
“Ahhh…You mean natutuwa ka na kausap ako?” lambing ni Dhianne.
“Syempre po!”
“Ang ganda naman ng nickname mo! Japanese ka ba?”
“Pinoy Mam! Nakuha ko lang po yang nick sa isang computer game, maganda yung character, maraming hero sa story, pero lahat handang mamatay para kay Kenji!”
“May Hero complex ka pala!” sagot ni Dhianne.
“Inspired kasi ako sa Journey ni Kenji.”
Binalik ni Josh ang tanong, “Bakit ShyGirl napili mo na nickname? di ka naman mahiyain sa lagay na yan ha?”
“Shy talaga ako, naka tapis nga ako maligo e!”
“Bakit? Sa batis ka ba naliligo?”
“Sa Batya!”
“Sino nagpupuno ng batya? BF mo?”
“Wala akong BF e, dati meron na sana, ka chat ko sa States… kaya lang biglang naglaho na parang bula.”
Napapasimangot si Dhianne kapag napag uusapan si George isang fil-am na dati nyang cyber boyfriend, bigla itong naging matamlay sa kanya nang magkaroon ng ibang girlfriend sa States.
“Baka naman may asawa na? Hindi kaya?”
“Oo nga e! ikaw rin, baka magalit ang asawa mo nyan at nakikipag chat ka pa!”
Napasandal si Josh sa silya, “Mam naman! Certified Single pa po ako!”
“Ows? Sa age mo? Di yata ako makapaniwala!” napailing si Dhianne.
“Yes Mam! PPPP kasi ako” nakahandang biro ni Josh.
“Ano naman yang PPPP na yan at mukhang bago sa pandinig ko?”
Napakunot noo si Dhianne sa sunod sunod na pananalita na bago sa pandinig nya.
“Papalapit ng Papalapit, Papangit ng Papangit” sagot ni Josh
“Ang sama mo, sarili mo nilalait mo”
Lihim naman na impress si Dhianne dahil ayaw rin naman nya yung mga taong nagbubuhat ng sariling bangko.
“Pero mabait ako tsaka … mabait!”
“Okey lang yan, kesa naman FGLG” ganti ni Dhianne.
“Wow! Si Mam meron din Abbreviation” napakamot ng ulo si Josh.
“Question mam!”
“Yes? Mr. Josh Ek Ek!”
“What is the meaning of FGLG?” tanong ni Josh.
“Assignment mo yan for tommorow! Make sure na ma research mo yan, same time same channel okey?”
Naghanda na si Dhianne magpaalam at kailangan na nya na tumakbo para sa susunod nya na klase.
“Ay ang daya! Sayang treat pa naman kita Mam Dhianne!”
“Aber? Ano naman ang ipapapakain ng isang starving writer sa akin?”
Nag alanganin si Dhianne, baka nga naman mapikon ang kausap, gusto nya sana itong bawiin pero na i-type na nya.
“Sky is the limit Mam!
Nabunutan ng tinik si Dhianne ng hindi napikon si Josh, badya ito na marunong rin itong sumakay sa biro.
“Sweet Fried Turon sprinkled with Brown Refined Sugar and Ice Cold Pop Cola!”
“Bruho! Brown na Refined pa! May sprinkled ka pa na nalalaman, Turon at Pop lang pala treat mo sakin! Lol” parang ayaw ni Dhianne na iwan ang kausap.
“Wow si Mam fast learner marunong na mag Lol”
“Ako Pa!” pagyayabang ni Dhianne “Mabalik ako, bakit di ka pa nag aasawa? Siguro pihikan ka ano?”
“Hindi naman Mam, minamalas lang...” malungkot at seryoso ang pagtugon ni Josh.
“What do you mean, minamalas?” na intriga si Dhianne.
“May Girlfriend ako dati, eight years tinagal ng relasyon namin and we’re planning to get married as soon as makaipon lang kami, sad to say, na pregnant sya while working abroad.”
Napatigil si Josh, ayaw na sanang i-type ang kasunod…
“Ng ibang lalaki.”
Pilit na sanang kinakalimutan ni Josh ang nakaraan ngunit ang walong taon na napunta sa wala ang isa sa dahilan kung bakit tumanda sya ng walang asawa.
“Oh sorry to hear that, pasensya ka na ha? Ang dami ko kasing tanong.”
Biglang nakaramdam ng simpatya si Dhianne sa kausap.
“Hayaan mo may ipapakilala ako sayo, regular chatter dito, in fact sya ang nag introduce sa akin dito mag chat.”
“Ano ang nickname nya?” napa-usisa si Josh “Baka nakakausap ko na sya before.”
“Sexy_Femme ang gamit nya, in fairness sexy talaga sya! I am sure magugustuhan mo!”
“Ganun ba? Okey lang mam, kahit wala, di naman na ako naghahanap ng GF, pass muna ako sa pakikipag-relasyon.” paliwanag ni Josh
“Friend lang naman e! drama mo lolo!”
“Lolo pala ha! Lol, Sige pero first thing first,Teacher muna!”
“Sabi mo lang yan kasi di mo pa nakikita si Anne!” Alam ni Dhianne na nambobola na ang kausap.
“O sya di na ako magtatagal basta bukas yung assignment mo ha? Dapat alam mo na meaning ng FGLG kasi hate ko yun!” paalam ni Dhianne.
“Yes Mam! I will ask around! GTG na rin ako mam!”
“Huh? Anong GTG?” sadyang marami pang di alam si Dhianne sa Chat Jargon.
“Got To Go”
“Ah okey, GTG na rin ako Josh, nice chatting with you, tommorow ha?”
“Wait! May cellphone ka ba?” pahabol ni Josh.
“OO naman! Sino pa ba ang walang cellphone sa panahon ngayon”
“I mean cellphone Number! Can you be my text mate?”
“Sure! Ano ka ba? Globe ako e, baka Smart ka ha? Mapapamahal ako!”
“Globe rin Mam!…. Seee???? Pinagtapat tayo ng tadhana!”
“Sus nagkataon lang e! o sige 0916xxxxxxx text mo ko ha?”
First time nagbigay ng number si Dhianne sa ka chat hindi nya alam kung bakit nagtiwala sya agad kay Josh.
“Sige pa Ring kita, Save mo number ko Mam! Huwag nyo po sagutin ha?”
“Kuripot ka talaga! Hahaha! O sya aalis na talaga ako for the last time! Haaay nako di kita maiwan ang kulit mo.”
“Thanks Mam! Pa ring ko po kayo mamaya, papa-pasaload lang ako kasi zero balance na ako e.” nahihiyang paliwanag ni Josh.
“Starving writer ka nga pala! Haaaayyyyy, kung di ka lang mabait di na kita kakausapin!”
“Wag naman Mam, mamaya may load na latest Cellphone ko!”
Na intriga si Dhianne “Ano ba model ng Cellphone mo?”
“5110 pero may blue tooth, 65000 colors, VGA camera, Polyphonic and GPRS!” nakuha na lang daanin sa biruan ang sarili nyang cellphone na sadya namang wala na sa uso.
“Tsk! Tsk! Gusto mo mabunutan ng ipin? Ganyan ang cellphone ng maid namin dati e!” tukso ni Dhianne.
“Bye na Talaga! Ma le-late na ako sa next class ko e”
Hindi na nag antay si Dhianne sa sagot ni Josh alam nyang alanganin na naman ang biro nya dito.
“Bye Mam!” paraya ni Josh.
Mabilis na nag log out si Dhianne at nagmamadaling naglakad patungo sa room 301, ang next class nya sa economics.
Hindi nya alintana na halos umangat na ang suot nya na miniskirt.
Sabagay ay taglay nya ang pinaka magandang tindig sa South Crest University at hindi naman sa pagyayabang ay halos lahat ng kalalakihan na nakakakita sa kanya ay halos makalimutan na mayroon na silang asawa at ang mga binata naman ay gusto na sya ay maging asawa.
Sadya lang na wala syang mapili sa mga manliligaw nya, para syang naglilihi, naghahanap ng “kakaibang charisma”.
Napaisip si Dhianne.. “Hindi kaya napikon yun?”
Pagpasok nya sa room ay nag aantay na ang buong klase.
“Mam himala! Your late!”
“E kasi naman yung ka chat ko!” nadulas na nasabi ni Dhianne.
“Uyyyyyyy” hiyawan ang buong klase na parang kinikilig.
“Te ne nen te ne ne nen ten nen” tumunog ang nokia tune.
“Mam may call kayo baka yung ka chat nyo!” hiyawan ang mga ito.
Tiningnan ni Dhianne ang cellphone at napangiti “Si Josh nga”
“Yeeeheyyyy! si Mam in Love!”
Nag blush si Dhianne,
“Kuripot no? kainis, pa RING lang!”
¾o¾
Kinabukasan, pagka tapos ng lunch break ay dumiretso na si Dhianne sa computer room.
Hindi nya maipaliwanag kung bakit excited sya ngayon mag chat, bagamat disappointed sya dahil after magpa ring ni Josh ay hindi na ito nag text man lang ulit.
“Baka nagtitipid ng load yung kuripot na yun!” bulong nya sa sarili.
“Hmmm sino kaya ang mga online?”
Unang binuksan ni Dhianne ang Mirc kung saan nagkikita kita ang mga gustong makapag usap sa internet, dito ay sari sari ang mga “Chatters”; matanda at bata, mayaman at mahirap, may hitsura o wala.
Sabi nga nila, sa mundo ng “Chat”, lahat ay pantay pantay dahil hindi mo naman talaga nakikita ang iyong kausap, marami ang nag kukunwari, meron din namang honest pero lahat ay iisa ang hanap, panandaling pagtakas sa “Real World’’.
“Oist! Dhianne welcome back! Kamusta ka na?” bati ni “Sexy_Femme”
“Annnneeeee! Bakit wala ka kahapon? Sino naman ang na karir mo?” masayang bati ni Dhianne sa kausap.
“Sus! Walang kwenta, kilala mo ba si “Cali_Guy”? Yun ang nick nya, ayun nag starbucks kami kaya lang mahina e! Kiss lang nya ako sa cheek, kaka boring!”
“Ikaw talaga Sis! E paano na si Ex Dad mo? Talaga bang wala na kayo?” alam ni Dhianne lahat ng sikreto ni Anne, pati ang pagkahumaling nito sa lalaking masasabing… hindi na malaya.
“Hmmm ewan ko ba dun? Lakas nga ng pang amoy e! nag online kanina, sabi nya parang nararamdaman nya na may di-ne-date daw ako na iba, ewan ko ba.”
Patuloy ni Anne “Sabi ko nga, ako ang dapat magtampo kasi lahat ng panahon nya nasa totoo nyang asawa, e ano pa ang papel ko sa buhay nya?”
“Ikaw naman kasi Sis, ang daming binata dyan bakit sa may asawa ka pa na involve.”
Hindi na mabilang ni Dhianne kung ilang beses na nya nasermonan ang kaibigan.
“Pabayaan mo na Dhianne, di mo mauunawaan kasi hindi ka pa na in Love e.”
Iniba na ni Dhianne ang usapan, alam nyang hindi rin naman sya susundin ni Anne.
“Teka may nakausap pala ako kahapon Kenjisjourney ang nickname, kilala mo?” tanong ni Dhianne.
“Hmmm teka parang nakikita ko yan dati, hmm, ayun! Naalala ko na, ang alam ko natigil na yan sa chat nung nagka girlfriend, hmmm bakit nabuhay ulit?”
“E wala na raw GF, na pregy daw ng iba… yun ang kwento nya kahapon!” paliwanag ni Dhianne.
“Ganun ba? Pagkakataon ko na! Hihihihi! pakilala mo ako kasi suplado yan dati, hindi ako pinapansin”
May kakaibang kiliti na naramdaman si Anne lalo na at may prospect sya.
Gusto sanang tumanggi ni Dhianne, marami na syang inireto kay Anne.
Si Josh, iba si Josh gusto sana nya na bigyan naman ng pagkakataon ang sarili nya, parang may kakaiba, mukhang interesting, hindi mayabang at may sense of humor.
Kilala nya si Anne, kapag nagustuhan nya si Josh, gagawa at gagawa ng paraan ang kaibigan upang ma “karir” ito.
“Hmmm sabi nya mag o online sya ngayon e, wala naman sya!”
Kanina pa nya sinisilip kung nasa nickname list na ang Kenjisjourney.
“Baka nakalimutan na nya usapan namin.”
“Sis naman!” napapakamot si Anne “Para namang bago ka pa sa chat e mga tao dito labas pasok, ngayon ikaw ang kausap, bukas di ka na kilala.”
“Sabagay..”
Malungkot pero may katotohanan ang sinabi ng kaibigan, mas matagal na ito sa chat at alam nya ang laro ng mga tao dito.
“Maniwala ka sa akin, hanap ka na lang ibang makakausap, wag ka nga mag antay dyan sa wala!”
“Feeling Gwapo, Looking Gago!”
“Huh?” nabuhayan ng loob si Dhianne.
“Josh! Akala ko hindi ka na mag o-online
“E kasi naman, 20 pesos na lang money ko, e wala na ako pang bayad dito sa internet cafe kung mamamasahe pa ko, kaya naglakad na lang me!” hingal na paliwanag ni Josh sa ka chat.
Na touch si Dhianne.
“You mean naglakad ka para ma report mo lang assignment ko sayo?” impress na tanong ni Dhianne.
“OO naman, Chage me! Im Different!”
“Huh? Mukhang may imbento ka na naman na sariling english …”
“Sabi ko, ibahin mo ako!”
Tinatapik tapik ni Josh ang kanyang legs, namumulikat pa ito.
“Paano ba yan mam? Nasagot ko ang tanong nyo!”
“Hihihi, mukhang wala kang future sa writing kasi baluktot ka mag english!”
“Pano ba yan Mam! Nasagot ko po ang tanong nyo?” inulit ni Josh ang pahaging.
“Nadinig ko kaya! Hindi mo na kailangan ulitin! Sige papakilala kita kay Sexy_Femme.”
“E hindi naman yun ang…”
Hindi pa nakakatapos sa pag sasalita ay may bumati na kay Josh.
“Hi! Josh right?”
Sexy_Femme ang nakalagay na nickname.
“Sabi ni Dhianne i-mack daw kita.”
“Oh! Ikaw pala ang kinukuwento sa akin ni Dhianne na friend nya.” sagot ni Josh.
“Pano ba yan? kailan tayo mag me-meet?”
Walang paligoy ligoy na nagtanong si Anne.
Nagulat si Josh, “Hmmm.. ikaw ha? Kapag nag eyeball tayo siguradong one way ang mangyayari kasi tataguan mo ako!”
“Bakit naman? Di kaya ako mapili, di ka naman siguro sobrang pangit di ba?”
Nakaramdam ng konting pangamba si Anne, baka nga totoong pangit ang kausap.
“Slight”
“Hahaha, tama si Dhianne humble ka nga, sige, usap na nga lang kayo, at mangangarir pa ako, ang hina mo e! lolz”
Importante kay Anne ang bawat minuto sa pakikipag chat na madalas ay nauuwi sa eyeball, kung type nya, nagiging boyfriend nya.
“Okey ba si Anne? Ano sabi sayo?”